Select Menu

blogtitle

blogtitle

Featured Posts

Powered by Blogger.

Random Posts

Technology Related

Personal

News

Hindi ko alam kung ano ba naging reaction ng bawat estudyante, guro, at mga magulang na dumalo sa Graduation day na ito habang nagsasalita ako sa harapan nila para magbigay ng isang insipirational message, basta ang alam ko lang, maituturing ko na namang isa itong achievement sa buhay, na maari kong maipagmalaki dahil hindi naman lahat ng tao eh nabibigyan ng ganitong pagkakataon. Kakaibang kaba ang naramdaman ko habang umaakyat ako sa entablado, iba nga pala talaga ang pakiramdam kapag nasa harap mo na sila kaya naman naumpisahan ko ang aking mensahe ng magkahalong excitement at kaba, pero masaya parin ako dahil nadeliver ko naman at natapos ng maayos ang aking mensahe. Kaya kung interesado ka, pwede mong ituloy ang pagbabasa nito, pero kung hindi, ituloy mo parin kasi naumpisahan mo na eh, Ito na po yun.....
 
Maraming salamat po, for such a wonderful introduction / Good afternoon everyone / Bago ang lahat, gusto ko munang batiin ang lahat ng magsisipagtapos ngayon / graduates CONGRATULATIONS / Dahil sa wakas, ito na yung bunga ng 4 na taon ng inyong pagsisikap at patyatyaga / Para sa mga magulang and guardian, Maraming salamat po / Sa walang sawang pagabay sa inyong mga anak / At siyempre, pasalamatan din ang mga teachers natin dito sa CNHS, / Na walang sawang nagturo sa atin, humubog sa ating mga talento at nagtitiyaga sa ating mga kakulitan Maraming salamat po / And of course, to our Almighty God, for giving us knowledge, strength and for our life.

Naalala ko pa kapag pumapasok kami ng kapatid ko / at mga kaibigan ko mula Daranghitahan / Madalas, wala kaming baon / Tanging kanin lang ang baon, na walang ulam / Kaya naman hindi ko din malilimutan yung time / Kumakain kami non ng tanghalian sa school / Ang ulam ay Bida / Nagkataon kasi na pati mga kaibigan namin ay walang baon / Dalawang cornick, naghati na kaming 5 magkakaibigan / Dahil sa pagiging happy go lucky ko noon / Kaya di ko pa masyadong ramdam ang hirap non / Mahilig kami dumayo sa mga sayawan / Pumupunta kami dyan, Camandiison, Tagbacan, Ajos / Dumadaya kami para mag-intermession / Pero ang suot kong damit na pang porma / puro hiram lang / Isa pang di ko din malimutan non / Yung pagiging pasaway ko sa Flag Ceremony / Palibhasa magkatabi ng pila ang section A at B / ako na nasa section A / lumilipat sa pila ng section B / Dahil nandon ang mga kaibigan / Yun nga lang one time nakita ako ni Mam Cueto / Kurot ang inabot ko.

Pero kahit medyo pasaway at puro gala ako non / Hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko / Masarap kasi mag-aral lalo na at mababait ang mga teachers / Maeencourage ka talagang mag-aral ng maayos / Dahil sabi nga nila / dapat “mag-aral ng mabuti / Dahil yun ang magiging puhunan mo / At yun ang kayamanang di mawawala sayo.” / Kaya yun ang naging objectives ko / Mag-aral ng mabuti for a better future.

Pero hindi nga pala talaga madaling ma-achieve yun / In reality / Kahit masipag ka mag-aral, kailangan mo din iconsider ang pang araw-araw na buhay / At madami kang kailangan pagdaanan / After graduation namin ng high school / Nag-aral ako sa Enverga as partial scholar ng TESDA / Kumuha ako ng Electronics Communication Technology / Pero sumuko ako at napilitang mag-stop after 1 semester / Dahil don ko na naranasan ang hirap ng buhay / Yung sinasabi nilang “Isang kahig – isang tuka” / Yung tipong meron kayong pagkain ngayong tanghali, bahala na mamayang gabi kung may makakain pa / Naglalabada lang nanay ko non / Kahit ako lang ang nag-aaral sa aming magkakapatid / Alam kong hindi enough yung kinikita nya pati sa panggastos namin sa araw-araw / Mag-isa na lang syang nagtataguyod sa amin / Dahil ang tatay ko ay may iba ng pamilya at hindi nagpapadala / Kaya nang nag-stop na ko sa pag-aaral / Lumuwas na din ako ng Maynila para magtrabaho / Pumunta ako sa Tatay ko / Kasama ang bago nyang pamilya / Unfortunately, hindi din naging maganda ang buhay ko kasama ng tatay ko / Dahil itinakwil kami ng tatay ko / Sinabi nya samin na hindi na nya kami kikilalanin na anak nya / Nagalit sya amin / Di ko alam kung anong dahilan na kailangan pang dumating sa ganon / Mahirap para sa isang anak na lumaki ng malayo sa magulang / Dahil sa paglipas ng panahon na wala sila / Parang hindi ka nila masyadong kilala / Parang tatay ko / Hindi nya ako masyadong kilala / Di nya alam ang ugaling meron ako / Kung gaano kataas ang tingin at tiwala sakin ng ibang tao / kabaliktaran naman sa kanya.

Kaya bumalik na lang ulit kami ng Catanauan / Dahil don, 4 years din akong naging tambay / Don ako natutong magbisyo; inom, sigarilyo minsan sugal / Sabi nga ng isang kaibigan ko / Hindi na ikaw yung dating Bryan na nakilala ko / Yung dating Happy Go Lucky / Sa loob din ng 4 years na yun / Nagtrabaho din ako bilang construction worker / Halos mabibigat na semento, graba at buhangin yung binubuhat ko / Pero kahit mabigat ang trabaho / Di ako makaangal / Yun lang alam kong trabaho na madaling pasukan that time / Mabuti na lang may bagong opportunity na dumating sa akin / Pinuntahan ako sa bahay namin ni Mam Sally / Ipinasok nya ko ng trabaho sa computer shop ng kapatid nya.

Nagtrabaho ako bilang tagabantay ng computer shop sa Maynila / Katabi lang ng school yung computer shop na binabantayan ko, kaya mga studyante ang mga customer namin / Nang time na yun nainggit ako sa mga estudyante / Minsan pa, sinabihan ako ng isang estudyante, “Kung ako sayo kuya, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho”/ sinabi nya sakin yun dahil di ko alam yung pinapagawa nya, eh sa computer yun / wala pa naman ako masyadong alam sa computer non / Kaya naman, bawat Makita kung ginagawa ng mga estudyante, ginagaya ko, pinag-aaralan ko / After 1 year ng pagbabantay sa shop / Inencourage ako ni Kuia Millard na mag-aral habang nagbabantay ng computer shop / Simula noon nangarap ulit ako / Hindi pa pala huli ang lahat para sakin / 22 na ako ng mag-enroll ulit sa college for the second time / Kumuha ako ng kursong Bachelor of Science in Computer Engineering / bilang working student / Kung noong high school ay happy go lucky ako / Sa College, hindi ko na yun nagawa / Dahil school-work-bahay lang ako / Hindi na ako nakakasama sa gimik ng mga classmate ko / Dahil ayoko din sayangin yung bagong opportunity at tiwala sakin ni Kuya / Ako ang nag-oopen ng computer shop bago pumasok sa school / Kapag vacant naman sa school, balik sa computer shop / Sipag at tiyaga ang naging puhunan ko / At pamilya ko ang naging inspirasyon ko / habang nag-aaral ako / Gusto kong suklian ang lahat ng sakripisyo samin ni Inay / Kaya naman nag-aral ako ng mabuti / Siguro dahil inilaan sa akin yun ng Diyos / Natapos ko ang limang (5) taon sa Engineering bilang working student.

After graduation ko ng college, nakapagtrabaho agad ako sa isang construction firm / Pero hindi na bilang laborer / hindi na pala ang hawak ko, hindi mabibigat na semento, graba at buhangin ang binubuhat ko / Natanggap ako sa posisyon bilang I.T Staff / Dahil nakapag-aral na ako, at may diploma na / After few months na-appoint ako bilang Head ng I.T Department. / At sa kasalukuyan ay regular employee ako sa isang Electronics and Security System company.

Bilang panauhin sa araw na ito / I would like to take this opportunity para pasalamatan ang lahat ng taong tumulong sakin para marating ko kung anong meron ako ngayon / Kaya naman malaki ang utang na loob at pagpapasalamat ko / Sa pamilya ni Mam Sally Villanueva, Ate Lory Reyes at pamilya ni Ate Liza Cariscal / sila yung nagbibigay ng encouragement sa akin upang tapusin ko ang pag-aaral ko / Dahil naniniwala silang kaya ko at may mararating ako / At higit din akong nagpapasalamat kay Kuya Millard Lorca, Siya ang tumulong sa akin upang makapag-aral at makapagtapos ako.

Gusto ko din magpasalamat sa mga teachers ko dito / kina Mam Metica, Mam Vasquez, Mam Cueto, Mam Rosales, Mam Cleofe, Mam Darilag, Mam Abellanida, Sir Ponferada at sa lahat ng teachers ngayon ng CNHS / Dahil binigyan ulit nila ako ng isa na namang achievement sa buhay, na maari kong maipagmalaki / Dahil hindi naman lahat ng tao eh nabibigyan ng ganitong pagkakataon.

Kaya para sa lahat ng magsisipagtapos ngayon / Wag nyong alisin sa isip at puso nyo ang pangarap nyong makapag-tapos ng college / Kung hindi man kayo makapag-enroll this year? Next year? Or the other year. Wag mawawalan ng pag-asa. / Patuloy kayong mangarap at magpursege / Kahit anong hirap man ang pagdaanan, o anumang trahedya, as this year’s commencement theme “Di natitinag ang pusong Pilipino” / At wag makakalimot tumawag sa itaas, Kung sa tingin nyo may mga gusto na hindi na-grant, tandaan nyo, “We cannot get all what we want, but God will provide all what we need” Kaya kahit wala man tayong maipagmalaking kayamanan / mayaman naman tayo sa kaalaman / Madami tayong magiging kaibigan / dahil irerespeto ka ng kapwa mo / masarap pakinggan kapag tinatawag kang edukado, professional at may pinag-aralan / at masarap sa pakiramdam kapag may tiwala sayo ang tao sa paligid mo.


Muli, Congratulations and God Bless! Thank you.









-

Dahil masaya ako sa mga nakaraang araw, kaya naisipan ko na naman magsulat, at syempre, hindi lang ordinaryong saya. Dahil ito na, ito na ang umpisa ng panibagong yugto ng buhay ko. teka ano nga bang yugto ang sinasabi ko? daming intro, Ito talaga yun eh. Pero may idea ka ba kung anong gusto kong ikwento? wala pa? Sige na nga ikukwento ko lang naman ang dahilan ng aking kasiyahan, meron lang naman akong isang officemate na babae, nung una wala lang, tamang Hi, Hello, Sir, Ma'am, ganon mga tawagan namin, yung tipong pang pro, kasi nga nasa office kami. Nagkakasama kami bilang officemate. A time past, nalaman na namin cellphone number ng isa't-isa, pero parang wala parin, for work related purposes lang. Hanggang dumaan ang mga ilang buwan, dahil lagi na kaming magkatext, kaya ayon, naging close na kami, nagkukwentuhan sa text, nagbibiruan. Pero hanggang biro lang kahit pareho naman kaming single that time, Kahit tinutukso pa kami ng iba naming mga officemate, No malice.

Madalas kaming nagkakasama lalo na kapag lumalabas kaming magkakawork, bonding time, inuman with live band, sayawan sa Padis Point, Office Activities (Fun Run) etc.
May time pa na naging magkumare at kumpare pa kami dahil pareho kaming naging Ninong at Ninang sa binyag ng anak ng isa naming officemate. Ang di ko alam, yung isa pala namin officemate na Engineer, may gusto na sa kanya at nalaman ko na lang na sila na. Pero syempre hindi naman ako affected dahil wala pa naman talaga kaming feelings pareho non.Yung time din na yun, meron na kung nililigawan na kababayan ko at naging kami din thru text. Pero hindi nagwork dahil nasa province sya nag-stay at ako naman eh sa Manila, isa ring dahilan is parang hindi din naman ako serious non dahil di naman kami laging nagkikita.

Lumipas na naman ang ilang buwan at isang taon, tuluyan na kaming nagbreak ng gf ko, at ganon din naman, umalis na para mag-abroad yung bf ng officemate ko na naging dahilan na rin ng breakup nila. Madalas parin kaming magkasama sa gimikan, at balik na naman sa biruan. At ito na, unti-unti ko na syang nakikilala ng totoo at parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Until dumating yung time, nililigawan ko na sya kahit pabiro, pero hindi naman umobra agad, hehe.. hard to get ang lola. Pero may isa pa kaming officemate na girl na na-link din sakin, (gwapo.. haha) Lagi kaming nagbibiruan at may time na nagalit pa sakin si mare, dahil lagi kaming magkausap sa cp ng bagong officemate namin. Kaya naman tinigilan ko din muna ang pagtetext. Dahil don, nafeel ko na nagseselos sya (ayos) Kaya naman tinuloy ko na ang panliligaw ko sa kanya.

Dahil magkumare at kumpare kami sa binyag, naging tawagan namin non ang PRE, hanggang dumating ang isang araw, yun na, yun na talaga, at yun na nga, mark the calendar na, July 23, 2012, sinabi nya sakin, "Oo na Pre, tayo na officially, magkasama natin haharapin ang buhay, ng hawak kamay" yun ang mga salita na naging simula ng panibago, at sana forever na. dahil kilala na namin ang isa't-isa bago pa man maging official ang aming relasyon. 

Ito na nga, first picture together, since maging official ang aming relationship, wishing more pictures to come.

 A new year, a new journey and new chapter of life, Welcome year 2011. 3 months to go before our graduation, yahoooo!!!.. excited? hehehe!!.. but before that, we need to accomplish all the requirements to pass and be a candidate for graduation, and one of this is our design project. "Portable PC with built-in Multi-media Projector" as for my group.

Way back to my topic, as I encountered error while installing Office 2007 in our project saying "The windows installer service cannot update one or more protected windows files".
so I tried to install again in again but I've got same error, so I've tried to find the solution with our friendly google and I found this.

1. If you have a working XP computer with Office 2007, just go to
C:\Program Files\Common Files\Microsoft Shared\web server extensions\40\bin)
then copy (ctrl-c) the file fp4autl.dll

or if you have an internet connection, just simply download it here

2. then go to c:\program files\common files\microsoft shared\web server extensions\40\bin of your computer and paste it (ctrl-v)
3. Restart the 2007 office installation.
that's it!!.. gud luck..


Ano nga ba ang pinagkaiba ng High School sa College? In terms of Level? obviously, pero kung pag-usapan natin ang mga experience natin sa High School at College?..

Naaalala ko tuloy High School life ko, kung saan super saya at sarap ng feeling lalo na pag mabait sayo ang mga teacher mo di ba? at pag may bumabati sayo na schoolmate mo kahit hindi mo kilala, Sikat? weehh!!.. hehe!!.. sabihin na nating medyo popular (kapal) madami lang siguro nakakilala kasi mahilig din ako noon sa sayawan, wow dancer, duda ka? gusto mong sample? maya na lang baka hindi mo na matapos ang pagbasa ng blog ko, hayss, bakit ko kaya naisipan balikan ang High School? bakit hindi ang College? kasi hindi pa po ako graduate, pero malapit na, kunting-kunti na lang matatapos na rin ang 5 ta0n ko sa College, iniisip ko nga eh, Ilan taon na ba ko nag-aaral? 1 year sa Day Care, 6 years sa Elementary, 4 and a half Years sa High School (may kalahati? nagstop ako eh) 5 and a half years sa College, (may kalahati ulit? hehe..) eh walang pera eh, an0ng magagawa ko? eh di nag-stop ulit,.. 1 sem lang sa first course, but now for my 2nd course, i will never stop again, haha.. sige magstop ka, graduating ka na, it means, 17 years na akong nag-aaral, halos mahigit pa sa kalahati ng buhay ko ang ginugol ko sa pag-aaral, per0 wala parin maituturing na achievement sa buhay :) (pero malapit na magkaroon, hopefully)..

Ok sige mukhang lumalayo na tayo sa topic ah.. back to the different between highschool and college..Sa HS kasi, and0n yung madami kang NOTEBOOK na halos isang notebook bawat subject, sa College, isang notebook lang for the whole semester pwede na, at kung tipid ka pang magsulat kagaya ko, pwede na pang isang buong ta0n ang isang notebook(tipid o tamad magsulat?), hindi na kailangan ng madaming notebook sa college, kasi nandyan naman si xerox machine. Sa HS medyo kunti pa lang ang BAON, kasi wala naman masyadong binabayaran at hindi pa masyadong naglalakwatsa at isa pa, medyo strict pa ang parents, pero pagdating sa college kailangan ng dagdagan ang baon kasi madami ng babayaran, pati test paper babayaran mo, at nasasanay ng maglakwatsa, pasyal sa mall, nuod ng sine at minsan kapag nagkayayaan pa, inuman na. Sa HS kung sino lang yung BARKADA mo sa classmate mo, sila lang talaga, sa College, madami kang magiging barkada lalo na kung sa iba't-ibang klase ka pumapasok dahil conflict ang subject, mostly sa mga irreg, (mabuti na lang di ko naranasan maging irreg).

Sa HS din kapag nalate ka or hindi ka pumasok sa isang subject, cutting classes ka na, unlike sa college na bahala ka kung an0ng subject ka lang wala, dun ka lang absent. pagdating naman sa mga SUBJECTS mas mahirap na ang mga subject sa college, kung sa HS pwede pang petiks, sa college, maiiwanan ka pag petiks ka parin, almost 40 minutes lang every subject sa high school, sa College may 4 hours lalo na sa major subject. Sa HS maghapon ang klase, at may lunch break talaga, pagdating mo sa college, kung an0 lang yung vacant mo, d0n ka lang pweding kumain, dahil kung hindi, late or absent ka, lalo na kung hindi mo alam kung anong oras ba talaga papasok ang prof mo, kung magtuturo ba o hindi..

Siyempre hindi mawawala ang party party na nagpapabuhay ng dugo ng mga studyante para makapagrelax sa study, andyan ang JS Prom at Induction Ball sa HS, at pagdating naman sa College, andiyan na ang mga Live Band, Foundation Day and College Week. Kung sa highschool may camping na kung saan kayo ang gagawa ng mga paraan para makapagprovide ng makakain at tiyagaan na lang matulog kahit malamok. sa College naman may Tour, dito mo mararanasan tumuloy sa hotel na akala mo ay mayaman at may magdedeliver na lang ng pagkain or tatawagin ka na lang kung kakain na (madalas naman yung ginastos, inutang lang naman.. aray ko... hehe) at siyempre pagdating sa mga grades, kung sa HS sabay-sabay mong makikita ang grades mo dahil isa lang ang CARD, sa College mo naman mararanasan ang manligaw isa-isa sa mga prof mo kung may sabit ka, dahil isa-isa na lang ang Classcard every subject.

Sa HS m0 din mararanasan ang unang kilig factor nilang sinasabi, kapag nagsimula ka ng magkar0on ng crush, unlike sa college na medyo nababawasan ang mga gan0ong factor kasi sanay ka na, pero meron pa rin namang kilig, eh bakit ako wala? kabaligtaran ng HS ang lovelife ko sa College, kung dati, playboy daw ako, ngayon naman tomul (sinong nagsabi? hindi totoo yun), eh an0 naman? gan0n lang talaga siguro pag hindi ka fulltime student (weehh!!.. hindi rin!!!), which is may mga obligasyon ka, let say, kailangan mong magtrabaho para makapag-aral.. pero masaya naman ako kahit single, atleast kahit kanino I am able to mingle, I didn't say that when you're committed in a relationship, you're not able to mingle, siyempre limited na, mostly if your partner is seloso/selosa di ba?. Lahat lang naman ng mga ito ay base sa experience ko, at kung ano nga ba meron sa High School at College life ko, ewan ko lang kung may experience pa kayong magkaiba sa HS at College..
-
Surfing the net is really addicted, mostly some of social networking site like facebook, twitter, friendster, myspace, orkut, etc. Some of us do this as a past time and to connect and share with our love ones, unfortunately, some of our family members (mostly students) were addicted with this, instead of researching their assignment and projects, they prioritize browsing those website and chatting with their friends. It is also like to other computer rentals and offices, when you are addicted with this, you'll not be focus only for your work, that's why some computer limited to browse the net by blocking some website. I have experienced with my co-employee addicted to facebook and youtube, he's always out of his mind everytime I'm asking him, and he is a very naughty guy, (ssooooooo kulit, kung may skit lng cgur0 aq sa puso, bka inatake na q), that's why i gave him a limitation, I google this tricks. So if you want to give limit some of your family members or you just want to tricks your friend, I will discuss this simple tutorial on how to block any website on your computer. Just follow the steps.

1. Go to Command Prompt... START>RUN>type CMD and hit ENTER


click image to enlarge

2. type: notepad C:\WINDOWS\system32\drivers\etc\hosts
click image to enlarge

the notepad will appear.

3. just type the ip address and host name of website you want to block and save.


click image to enlarge

done..

I used facebook and youtube as a sample site to block. now open your web browser and try to open the website, you will notice that those website are not available...

and to unblock, just simply delete what you typed..

Ok thanks and hope you understand this tutorial..