Ano nga ba ang pinagkaiba ng High School sa College? In terms of Level? obviously, pero kung pag-usapan natin ang mga experience natin sa High School at College?..
Naaalala ko tuloy High School life ko, kung saan super saya at sarap ng feeling lalo na pag mabait sayo ang mga teacher mo di ba? at pag may bumabati sayo na schoolmate mo kahit hindi mo kilala, Sikat? weehh!!.. hehe!!.. sabihin na nating medyo popular (kapal) madami lang siguro nakakilala kasi mahilig din ako noon sa sayawan, wow dancer, duda ka? gusto mong sample? maya na lang baka hindi mo na matapos ang pagbasa ng blog ko, hayss, bakit ko kaya naisipan balikan ang High School? bakit hindi ang College? kasi hindi pa po ako graduate, pero malapit na, kunting-kunti na lang matatapos na rin ang 5 ta0n ko sa College, iniisip ko nga eh, Ilan taon na ba ko nag-aaral? 1 year sa Day Care, 6 years sa Elementary, 4 and a half Years sa High School (may kalahati? nagstop ako eh) 5 and a half years sa College, (may kalahati ulit? hehe..) eh walang pera eh, an0ng magagawa ko? eh di nag-stop ulit,.. 1 sem lang sa first course, but now for my 2nd course, i will never stop again, haha.. sige magstop ka, graduating ka na, it means, 17 years na akong nag-aaral, halos mahigit pa sa kalahati ng buhay ko ang ginugol ko sa pag-aaral, per0 wala parin maituturing na achievement sa buhay :) (pero malapit na magkaroon, hopefully)..
Ok sige mukhang lumalayo na tayo sa topic ah.. back to the different between highschool and college..Sa HS kasi, and0n yung madami kang NOTEBOOK na halos isang notebook bawat subject, sa College, isang notebook lang for the whole semester pwede na, at kung tipid ka pang magsulat kagaya ko, pwede na pang isang buong ta0n ang isang notebook(tipid o tamad magsulat?), hindi na kailangan ng madaming notebook sa college, kasi nandyan naman si xerox machine. Sa HS medyo kunti pa lang ang BAON, kasi wala naman masyadong binabayaran at hindi pa masyadong naglalakwatsa at isa pa, medyo strict pa ang parents, pero pagdating sa college kailangan ng dagdagan ang baon kasi madami ng babayaran, pati test paper babayaran mo, at nasasanay ng maglakwatsa, pasyal sa mall, nuod ng sine at minsan kapag nagkayayaan pa, inuman na. Sa HS kung sino lang yung BARKADA mo sa classmate mo, sila lang talaga, sa College, madami kang magiging barkada lalo na kung sa iba't-ibang klase ka pumapasok dahil conflict ang subject, mostly sa mga irreg, (mabuti na lang di ko naranasan maging irreg).
Sa HS din kapag nalate ka or hindi ka pumasok sa isang subject, cutting classes ka na, unlike sa college na bahala ka kung an0ng subject ka lang wala, dun ka lang absent. pagdating naman sa mga SUBJECTS mas mahirap na ang mga subject sa college, kung sa HS pwede pang petiks, sa college, maiiwanan ka pag petiks ka parin, almost 40 minutes lang every subject sa high school, sa College may 4 hours lalo na sa major subject. Sa HS maghapon ang klase, at may lunch break talaga, pagdating mo sa college, kung an0 lang yung vacant mo, d0n ka lang pweding kumain, dahil kung hindi, late or absent ka, lalo na kung hindi mo alam kung anong oras ba talaga papasok ang prof mo, kung magtuturo ba o hindi..
Siyempre hindi mawawala ang party party na nagpapabuhay ng dugo ng mga studyante para makapagrelax sa study, andyan ang JS Prom at Induction Ball sa HS, at pagdating naman sa College, andiyan na ang mga Live Band, Foundation Day and College Week. Kung sa highschool may camping na kung saan kayo ang gagawa ng mga paraan para makapagprovide ng makakain at tiyagaan na lang matulog kahit malamok. sa College naman may Tour, dito mo mararanasan tumuloy sa hotel na akala mo ay mayaman at may magdedeliver na lang ng pagkain or tatawagin ka na lang kung kakain na (madalas naman yung ginastos, inutang lang naman.. aray ko... hehe) at siyempre pagdating sa mga grades, kung sa HS sabay-sabay mong makikita ang grades mo dahil isa lang ang CARD, sa College mo naman mararanasan ang manligaw isa-isa sa mga prof mo kung may sabit ka, dahil isa-isa na lang ang Classcard every subject.
Sa HS m0 din mararanasan ang unang kilig factor nilang sinasabi, kapag nagsimula ka ng magkar0on ng crush, unlike sa college na medyo nababawasan ang mga gan0ong factor kasi sanay ka na, pero meron pa rin namang kilig, eh bakit ako wala? kabaligtaran ng HS ang lovelife ko sa College, kung dati, playboy daw ako, ngayon naman tomul (sinong nagsabi? hindi totoo yun), eh an0 naman? gan0n lang talaga siguro pag hindi ka fulltime student (weehh!!.. hindi rin!!!), which is may mga obligasyon ka, let say, kailangan mong magtrabaho para makapag-aral.. pero masaya naman ako kahit single, atleast kahit kanino I am able to mingle, I didn't say that when you're committed in a relationship, you're not able to mingle, siyempre limited na, mostly if your partner is seloso/selosa di ba?. Lahat lang naman ng mga ito ay base sa experience ko, at kung ano nga ba meron sa High School at College life ko, ewan ko lang kung may experience pa kayong magkaiba sa HS at College..
No comments
Post a Comment