Select Menu

blogtitle

blogtitle

Featured Posts

Powered by Blogger.

Random Posts

Technology Related

Personal

News

OFW (Overseas Filipino Worker), mga Pinoy na nagtratrabaho sa ibang bansa upang makaipon ng sapat na pera at para makatulong sa pamilya. Sabi nila masarap daw pakinggan para sa mga taong hindi pa nakakaranas magtrabaho sa ibang bansa, but for me? Hindi naman talaga ako na-attract sa salitang OFW, bakit? para sakin kasi dati parang walang dating at hindi nakaka-inggit, pag naririnig ko kasi ang salitang OFW, mas unang pumapasok sa isip ko ang hirap ng pagiging OFW, which is totoo naman na mahirap talaga, lalo na sa mga nababasa, napapanuod at naririnig nating mga balita tulad ng binubogbog ng amo, hindi pinapakain ng maayos, at nirerape, Kaya hindi ako na-aatract sa salitang OFW. Mas naiinggit ako sa mga nagtratrabaho sa Abroad, Ano daw? Uu, totoo yun, mas may dating para sa akin kapag sinabing sa Abroad nagtratrabaho, kasi yun ang mas masarap pakinggan para sakin, don ko naiimagine yung kaginhawahan ng pamumuhay, madaming pera, at nakapagbibigay ng mga bagay na nakakapag-pasaya sa pamilya. Kya pag may naririnig akong, "May magulang yan, kapatid or kamag-anak na nagtratrabaho sa Abroad, Yun, don ako na-aatract.

Ikaw ba? anong pumapasok sa isip mo pag naririnig mo ang mga ganitong salita?

1. "Alam mo ba yung nanay nya OFW sa ibang bansa"
2  "Alam mo ba yung nanay nya, sa Abroad nagtatrabaho"

Ano ang dating sayo?

Eh ano nga bang pagkaka-iba ng OFW sa mga Pinoy na nagtratrabaho sa Abroad? Wala naman di ba? Siguro napakababaw ko para don, pero yun ang totoong dating sakin ng mga salitang iyon kahit alam ko naman na pareho lang ang ibig sabihin non, "Mga Pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa" Kaya bago ka pa tamarin sa pagbabasa nito, wag ka ng maguluhan dahil pareho lang naman talaga yan, Pagbigyan nyo na ko kasi opinyon ko naman yan. Kung may opinyon ka, pwede kang mag-comment.



-