Hindi ko alam kung ano ba naging reaction ng bawat estudyante, guro, at mga magulang na dumalo sa Graduation day na ito habang nagsasalita ako sa harapan nila para magbigay ng isang insipirational message, basta ang alam ko lang, maituturing ko na namang isa itong achievement sa buhay, na
maari kong maipagmalaki dahil hindi naman lahat ng tao eh nabibigyan
ng ganitong pagkakataon. Kakaibang kaba ang naramdaman ko habang umaakyat ako sa entablado, iba nga pala talaga ang pakiramdam kapag nasa harap mo na sila kaya naman naumpisahan ko ang aking mensahe ng magkahalong excitement at kaba, pero masaya parin ako dahil nadeliver ko naman at natapos ng maayos ang aking mensahe. Kaya kung interesado ka, pwede mong ituloy ang pagbabasa nito, pero kung hindi, ituloy mo parin kasi naumpisahan mo na eh, Ito na po yun.....
Maraming salamat po, for such a wonderful introduction / Good afternoon everyone / Bago ang lahat, gusto ko munang batiin ang lahat ng magsisipagtapos ngayon / graduates CONGRATULATIONS / Dahil sa wakas, ito na yung bunga ng 4 na taon ng inyong pagsisikap at patyatyaga / Para sa mga magulang and guardian, Maraming salamat po / Sa walang sawang pagabay sa inyong mga anak / At siyempre, pasalamatan din ang mga teachers natin dito sa CNHS, / Na walang sawang nagturo sa atin, humubog sa ating mga talento at nagtitiyaga sa ating mga kakulitan Maraming salamat po / And of course, to our Almighty God, for giving us knowledge, strength and for our life.
Naalala ko pa kapag pumapasok kami ng kapatid ko / at mga kaibigan ko mula Daranghitahan / Madalas, wala kaming baon / Tanging kanin lang ang baon, na walang ulam / Kaya naman hindi ko din malilimutan yung time / Kumakain kami non ng tanghalian sa school / Ang ulam ay Bida / Nagkataon kasi na pati mga kaibigan namin ay walang baon / Dalawang cornick, naghati na kaming 5 magkakaibigan / Dahil sa pagiging happy go lucky ko noon / Kaya di ko pa masyadong ramdam ang hirap non / Mahilig kami dumayo sa mga sayawan / Pumupunta kami dyan, Camandiison, Tagbacan, Ajos / Dumadaya kami para mag-intermession / Pero ang suot kong damit na pang porma / puro hiram lang / Isa pang di ko din malimutan non / Yung pagiging pasaway ko sa Flag Ceremony / Palibhasa magkatabi ng pila ang section A at B / ako na nasa section A / lumilipat sa pila ng section B / Dahil nandon ang mga kaibigan / Yun nga lang one time nakita ako ni Mam Cueto / Kurot ang inabot ko.
Pero kahit medyo pasaway at puro gala ako non / Hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko / Masarap kasi mag-aral lalo na at mababait ang mga teachers / Maeencourage ka talagang mag-aral ng maayos / Dahil sabi nga nila / dapat “mag-aral ng mabuti / Dahil yun ang magiging puhunan mo / At yun ang kayamanang di mawawala sayo.” / Kaya yun ang naging objectives ko / Mag-aral ng mabuti for a better future.
Pero hindi nga pala talaga madaling ma-achieve yun / In reality / Kahit masipag ka mag-aral, kailangan mo din iconsider ang pang araw-araw na buhay / At madami kang kailangan pagdaanan / After graduation namin ng high school / Nag-aral ako sa Enverga as partial scholar ng TESDA / Kumuha ako ng Electronics Communication Technology / Pero sumuko ako at napilitang mag-stop after 1 semester / Dahil don ko na naranasan ang hirap ng buhay / Yung sinasabi nilang “Isang kahig – isang tuka” / Yung tipong meron kayong pagkain ngayong tanghali, bahala na mamayang gabi kung may makakain pa / Naglalabada lang nanay ko non / Kahit ako lang ang nag-aaral sa aming magkakapatid / Alam kong hindi enough yung kinikita nya pati sa panggastos namin sa araw-araw / Mag-isa na lang syang nagtataguyod sa amin / Dahil ang tatay ko ay may iba ng pamilya at hindi nagpapadala / Kaya nang nag-stop na ko sa pag-aaral / Lumuwas na din ako ng Maynila para magtrabaho / Pumunta ako sa Tatay ko / Kasama ang bago nyang pamilya / Unfortunately, hindi din naging maganda ang buhay ko kasama ng tatay ko / Dahil itinakwil kami ng tatay ko / Sinabi nya samin na hindi na nya kami kikilalanin na anak nya / Nagalit sya amin / Di ko alam kung anong dahilan na kailangan pang dumating sa ganon / Mahirap para sa isang anak na lumaki ng malayo sa magulang / Dahil sa paglipas ng panahon na wala sila / Parang hindi ka nila masyadong kilala / Parang tatay ko / Hindi nya ako masyadong kilala / Di nya alam ang ugaling meron ako / Kung gaano kataas ang tingin at tiwala sakin ng ibang tao / kabaliktaran naman sa kanya.
Kaya bumalik na lang ulit kami ng Catanauan / Dahil don, 4 years din akong naging tambay / Don ako natutong magbisyo; inom, sigarilyo minsan sugal / Sabi nga ng isang kaibigan ko / Hindi na ikaw yung dating Bryan na nakilala ko / Yung dating Happy Go Lucky / Sa loob din ng 4 years na yun / Nagtrabaho din ako bilang construction worker / Halos mabibigat na semento, graba at buhangin yung binubuhat ko / Pero kahit mabigat ang trabaho / Di ako makaangal / Yun lang alam kong trabaho na madaling pasukan that time / Mabuti na lang may bagong opportunity na dumating sa akin / Pinuntahan ako sa bahay namin ni Mam Sally / Ipinasok nya ko ng trabaho sa computer shop ng kapatid nya.
Nagtrabaho ako bilang tagabantay ng computer shop sa Maynila / Katabi lang ng school yung computer shop na binabantayan ko, kaya mga studyante ang mga customer namin / Nang time na yun nainggit ako sa mga estudyante / Minsan pa, sinabihan ako ng isang estudyante, “Kung ako sayo kuya, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho”/ sinabi nya sakin yun dahil di ko alam yung pinapagawa nya, eh sa computer yun / wala pa naman ako masyadong alam sa computer non / Kaya naman, bawat Makita kung ginagawa ng mga estudyante, ginagaya ko, pinag-aaralan ko / After 1 year ng pagbabantay sa shop / Inencourage ako ni Kuia Millard na mag-aral habang nagbabantay ng computer shop / Simula noon nangarap ulit ako / Hindi pa pala huli ang lahat para sakin / 22 na ako ng mag-enroll ulit sa college for the second time / Kumuha ako ng kursong Bachelor of Science in Computer Engineering / bilang working student / Kung noong high school ay happy go lucky ako / Sa College, hindi ko na yun nagawa / Dahil school-work-bahay lang ako / Hindi na ako nakakasama sa gimik ng mga classmate ko / Dahil ayoko din sayangin yung bagong opportunity at tiwala sakin ni Kuya / Ako ang nag-oopen ng computer shop bago pumasok sa school / Kapag vacant naman sa school, balik sa computer shop / Sipag at tiyaga ang naging puhunan ko / At pamilya ko ang naging inspirasyon ko / habang nag-aaral ako / Gusto kong suklian ang lahat ng sakripisyo samin ni Inay / Kaya naman nag-aral ako ng mabuti / Siguro dahil inilaan sa akin yun ng Diyos / Natapos ko ang limang (5) taon sa Engineering bilang working student.
After graduation ko ng college, nakapagtrabaho agad ako sa isang construction firm / Pero hindi na bilang laborer / hindi na pala ang hawak ko, hindi mabibigat na semento, graba at buhangin ang binubuhat ko / Natanggap ako sa posisyon bilang I.T Staff / Dahil nakapag-aral na ako, at may diploma na / After few months na-appoint ako bilang Head ng I.T Department. / At sa kasalukuyan ay regular employee ako sa isang Electronics and Security System company.
Bilang panauhin sa araw na ito / I would like to take this opportunity para pasalamatan ang lahat ng taong tumulong sakin para marating ko kung anong meron ako ngayon / Kaya naman malaki ang utang na loob at pagpapasalamat ko / Sa pamilya ni Mam Sally Villanueva, Ate Lory Reyes at pamilya ni Ate Liza Cariscal / sila yung nagbibigay ng encouragement sa akin upang tapusin ko ang pag-aaral ko / Dahil naniniwala silang kaya ko at may mararating ako / At higit din akong nagpapasalamat kay Kuya Millard Lorca, Siya ang tumulong sa akin upang makapag-aral at makapagtapos ako.
Gusto ko din magpasalamat sa mga teachers ko dito / kina Mam Metica, Mam Vasquez, Mam Cueto, Mam Rosales, Mam Cleofe, Mam Darilag, Mam Abellanida, Sir Ponferada at sa lahat ng teachers ngayon ng CNHS / Dahil binigyan ulit nila ako ng isa na namang achievement sa buhay, na maari kong maipagmalaki / Dahil hindi naman lahat ng tao eh nabibigyan ng ganitong pagkakataon.
Kaya para sa lahat ng magsisipagtapos ngayon / Wag nyong alisin sa isip at puso nyo ang pangarap nyong makapag-tapos ng college / Kung hindi man kayo makapag-enroll this year? Next year? Or the other year. Wag mawawalan ng pag-asa. / Patuloy kayong mangarap at magpursege / Kahit anong hirap man ang pagdaanan, o anumang trahedya, as this year’s commencement theme “Di natitinag ang pusong Pilipino” / At wag makakalimot tumawag sa itaas, Kung sa tingin nyo may mga gusto na hindi na-grant, tandaan nyo, “We cannot get all what we want, but God will provide all what we need” Kaya kahit wala man tayong maipagmalaking kayamanan / mayaman naman tayo sa kaalaman / Madami tayong magiging kaibigan / dahil irerespeto ka ng kapwa mo / masarap pakinggan kapag tinatawag kang edukado, professional at may pinag-aralan / at masarap sa pakiramdam kapag may tiwala sayo ang tao sa paligid mo.
Muli, Congratulations and God Bless! Thank you.
Featured - Personal
Subscribe to:
Posts (Atom)